Story 1

Story 2

Story 3

Story 4

Story 4

Sa ilalim ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project – MARLIN 2.1, matagumpay na naisagawa ang stocking ng 10,000 mangrove crabs sa Crab Culture Project Area sa Municipality of Lian, Batangas.

Ang proyektong ito ay ipinagkaloob sa Lian Farmers Association, isa sa mga aktibong benepisyaryo ng FishCoRe, bilang suporta sa pagpapalawak ng aquaculture production at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mangingisda sa komunidad. Layunin nitong magbigay ng dagdag na kita at mas matatag na kabuhayan sa pamamagitan ng sustainable crab culture.

Inaasahang magbubunga ang inisyatibong ito ng mas mataas na produksyon, karagdagang oportunidad sa hanapbuhay, at mas malawak na kaalaman sa makakalikasang aquaculture practices.

Sa patuloy na suporta ng BFAR CALABARZON at ng FishCoRe Project, isinusulong ang isang mas produktibo, matatag, at sustenableng sektor ng pangisdaan sa Batangas at sa buong rehiyon ng CALABARZON.