Story 1

Story 2

Story 3

Story 4

Story 4

General Nakar, at San Francisco, Quezon – Bilang bahagi ng taunang community outreach activities ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources CALABARZON (BFAR CALABARZON), muling naghatid ng ngiti at saya ngayong Kapaskuhan ang ahensya sa mga Katutubong Pamayanan sa General Nakar at sa mga mangingisda ng San Francisco, Quezon.

Sa isinagawang aktibidad, 390 pamilya ang nabigyan ng pamaskong handog at kasiyahan. Namahagi ang BFAR CALABARZON ng mga fishing gear para sa mga katutubong at lokal na mangingisda, mga pamaskong handog para sa buong pamilya, gayundin ng mga simpleng regalo para sa mga bata. Nagkaroon din ng mga palaro na masiglang dinaluhan at ikinatuwa ng lahat.

Layunin ng gawaing ito na magbigay ng tulong at suporta sa mga Katutubong Pamayanan at mangingisda, kilalanin ang mahalagang papel nila sa sektor ng pangisdaan at sa pamayanan, palakasin ang ugnayan ng ahensya at ng komunidad, at ipadama ang diwa ng malasakit at saya ngayong panahon ng Kapaskuhan.